_ngayon
^

Probinsiya

Pulis utas sa ambush

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang beteranong imbestigador ng pulisya matapos itong tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army kamakalawa ng umaga sa Barangay Amomokpok, bayan ng Ragay, Camarines Sur. Idineklarang patay sa Ragay Rural Health Unit ang biktimang si SPO2 Julieto Egay Mondego Jr., nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo mula sa himpilan ng pulisya nang tambangan ng NPA rebs bandang alas-10:35 ng umaga. Nabatid na inimbitahan ng biktima ang mga kabarong pulis sa kanyang bahay para sa pananghalian dahil sa kaarawan nito. Kinomander ng gunmen ang motorsiklo ng biktima para makatakas habang narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol at cal. 45 pistol.

 

ANG BARANGAY AMOMOKPOK CAMARINES SUR CAMP SIMEON OLA IDINEKLARANG JULIETO EGAY MONDEGO JR. KINOMANDER NABATID NAPATAY NEW PEOPLE RAGAY RURAL HEALTH UNIT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with