Abogado dedo sa tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Namatay habang ginagamot sa pagamutan ang 51-anyos na abogado matapos itong tamba­ngan ng riding-in-tandem gunmen sa harapan ng kanyang bahay sa Villa Monica Subd. sa Barangay Lodlod, Lipa City, Batangas noong Linggo ng umaga.

Bandang alas-10:50 ng umaga nang pagbabarilin ang biktimang si Atty. Socrates Morales Hermoso na namatay sa Mary Mediatrix Hospital.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, kararating lamang ng biktima kasama ang misis nito sa kanilang bahay lulan ng Nissan Sentra (WGB-875) at nagbaba ng kanilang kargang mga grocery nang pagbabarilin ng tandem.

Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima subalit hinabol ito at muling pinagbabaril.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng cal. 9mm pistol habang sinisilip naman ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa mga sensitibong kasong hawak ng biktima kabilang ang mga miyembro at lider ng sindikato ng illegal na droga.

 

ACIRC ANG BANDANG BARANGAY LODLOD BATANGAS CAMP CRAME LIPA CITY MARY MEDIATRIX HOSPITAL NISSAN SENTRA SOCRATES MORALES HERMOSO VILLA MONICA SUBD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with