^

Probinsiya

Pulis dedo sa shootout

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Napatay ang isang tauhan ang PNP matapos makipagbarilan sa mga di-kilalang kalalakihan sa Purok Dulangan, Barangay Poblacion 1 sa bayan ng Banisilan, North Cotabato noong Sabado ng gabi. Kinilala ni P/Chief Insp. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato PNP Provincial Office ang biktima na si PO3 Fredo Duenas na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib. Nabatid na rumesponde ang pangkat ni PO3 Duenas sa naganap na pamamaril ng mga di-kilalang kalalakihan sa Purok Kapayapaan. Gayon pa man, bago pa man makarating ay pinagbabaril na sila ng mga armadong kalalakihan kaya sumiklab ang bakbakan. Napuruhan si PO3 Duenas kung saan idineklarang patay sa Wao Community Hospital.

 

BANISILAN

BARANGAY POBLACION

BERNARD TAYONG

CHIEF INSP

COTABATO

COTABATO (NORTH)

FREDO DUENAS

NORTH COTABATO

PROVINCIAL OFFICE

PUROK DULANGAN

PUROK KAPAYAPAAN

SOCCSKSARGEN

WAO COMMUNITY HOSPITAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with