^

Probinsiya

Binatilyo nagbigti sa farm

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Isang 14-anyos na binatilyo ang natagpuang patay matapos magpatiwakal sa Barangay Centro, Santa Ana, Cagayan ayon sa ulat kamakalawa.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Ian Jay, nakatira sa farm ng kanyang tiyuhin na si Alexander Ladrido sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng nakatatandang kapatid ni Ian Jay, nagkaroon umano sila ng pagtatalo ng kanyang kapatid kaugnay sa bigas na kinuha sa tahanan ng kanilang tiyuhin.

Matapos na magtalo, pansamantalang umalis ang kuya ng biktima upang pumunta sa bahay ng kanilang tiyuhin subalit nang siya ay bumalik sa bahay ay nakita na lamang ang nakababatang kapatid na nakabitin gamit ang isang nylon na tali.

Agad nagpasaklolo ang kuya sa kanilang tiyuhin na siyang humingi ng tulong sa Santa Ana Police na agad namang rumesponde sa lugar.

Mabilis na isinugod sa klinika ang biktima subalit idineklara itong dead-on-arrival.

vuukle comment

ANG

BARANGAY CENTRO

BIKTIMA

IAN JAY

ISANG

LADRIDO

MABILIS

MATAPOS

SANTA ANA

SANTA ANA POLICE

TIYUHIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with