Mister inutas sa birthday ng kaibigan
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2015 - 10:00am

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 46-anyos na mister matapos itong ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bakuran ng kanyang kaibigang nagdaraos ng birthday party sa Barangay Bibiclat, bayan ng Aliaga, Nueva Ecija noong Lunes ng umaga. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Larry Villamin y Lumibao ng Purok 5 sa nasabing barangay. Base sa police report, abala ang biktima sa paghahanda ng pagkain sa mga bisita kaugnay sa kaarawan ng kanyang kaibigang trader na si Jorge Alamon nang tutukan ng baril ng dalawang di-kilalang lalaki. Inutusan ang biktima na bumaba ng bahay at tumungo sa likurang bahagi kung saan siya niratrat at napatay habang iniimbestigahan na ang naganap na pamamaril.

ALIAGA ANG BARANGAY BIBICLAT INUTUSAN JORGE ALAMON LARRY VILLAMIN LUMIBAO NAPATAY NAPURUHAN NUEVA ECIJA PUROK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with