Drone bumagsak sa Masbate
Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2015 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Isa na namang drone na pag-aari ng Amerika ang bumagsak sa ka­ragatan ng sakop ng Brgy. Patosan, Baleno, Masbate kama­kalawa ng hapon.

Bandang alas-5:30 ng hapon ng marekober ang nasabing drone ng ilang mga magingisda ng naturang lugar kung kaya kaagad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang naturang insidente.

Narekober sa naturang barangay ang may markang­ “US NAVAIR marker locator marine MK 58 mod 1, 1370 - 01 - 074 - 0591 - 1580 - ATV 00d001 - 003 na tinatayang may habang 16” at 4.5 ang diameter nito.

Kaagad namang dinala ng mga rumes­pon­deng pulis sa kanilang himpilan ang na­turang drone na inaalam na kung paano napunta sa lugar.

Magugunita na nitong nakalipas na linggo ay isang aerial target drone ng US Navy ang narekober sa karagatan ng Patnanungan, Quezon.

 

AMERIKA BALENO BANDANG BRGY ISA KAAGAD MAGUGUNITA MASBATE NAREKOBER
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with