^

14 nalason sa spaghetti

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Aabot sa 14 na estudyante ang nalason matapos kumain ng spaghetti sa kanilang Christmas party kamakalawa ng hapon sa bayan ng Balatan, Camarines Sur. Kaagad na isinugod sa Rinconada Medical Center, Lourdes Hospital at Sta. Maria Josefa Foundation Hospital ang mga magkakaklase sa Laganac High School sa bayan ng Balatan, Camarines Sur. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Insp. Gary Magnente, nagsalu-salo sa pananghalian ang mga biktima kung saan ilang oras ang nakalipas ay nakaramdam ang pananakit ng tiyan, pagsusuka at panlalamig ng katawan ang mga estudyante kaya kaagad na isinugod sa tatlong ospital. Patuloy namang sinisiyat ng kinauukulang ahensya ng pamahalaan ang naganap na insidente.

AABOT BALATAN CAMARINES SUR GARY MAGNENTE KAAGAD LAGANAC HIGH SCHOOL LOURDES HOSPITAL MARIA JOSEFA FOUNDATION HOSPITAL RINCONADA MEDICAL CENTER SENIOR INSP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with