^

Probinsiya

Rido: 7 katao sugatan sa pagsabog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pito katao ang malubhang nasugatan makaraang hagisan ng granada ng  kanilang kalabang angkan  habang nagkaroon din ng palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig sa madugong clan war o rido sa pamilihang bayan ng  Parang, Maguindanao nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga nasu­gatang biktima na sina Jamila Tomas, Abdullah Tomas, Saima Raoro, Salahodin Tomas, Camlon Raoro, Sirikit Magayan at isang tinukoy lamang sa pa­ngalang Locman; pawang nilalapatan na ng lunas sa Notre Dame and Regional Hospital.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Captain Jo-ann Pe­tinglay, Spokesperson ng Army’s  6th Infantry Division, naganap ang pagsabog sa pamilihang bayan ng Poblacion 2, Parang ng lalawigan dakong alas- 5:45 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang hinagisan ng granada ang mga biktima sa nasabing palengke na ikinasugat ng mga ito habang mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakapalitan pa ng putok ng grupo ng mga inatakeng biktima.

Narekober naman ng mga nagrespondeng awtoridad ang  mga basyo ng cal 9MM at ang safety lever ng sumabog na granada.  Natukoy naman ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek na si Sauto Giti ng Matanog, Maguindanao at lumilitaw na rido ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ABDULLAH TOMAS

CAMLON RAORO

CAPTAIN JO

INFANTRY DIVISION

JAMILA TOMAS

MAGUINDANAO

NOTRE DAME AND REGIONAL HOSPITAL

SAIMA RAORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with