_ngayon
^

Probinsiya

Shootout: Notoryus holdaper dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bulagta ang notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa bahagi ng Centennial Road, Barangay Potol sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga. Sa imbestigasyon ni PO3 John Paulo Mellona, limilitaw na hinoldap ni Ronel “Baduy” Tecson  ang mga biktimang sina Joan De Guzman at Luisito Medina sa nasabing barangay. Kaagad na naipaabot sa pulisya ang naganap na holdapan kaya inilatag ang operasyon. Papalapit pa lamang ang mga awtoridad sa pinagkukutaan ni Tecson ay umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok  ng baril. Dito na nakipagpalitan ng putok ang mga awtoridad kung saan napatay si Tecson. Sa tala ng pulisya, si Tecson na sinasabing ika-5 sa notoryus na holdaper na isinasangkot sa serye ng holdapan sa bayan ng Kawit at karatig pook.

BADUY BARANGAY POTOL BULAGTA CAVITE CENTENNIAL ROAD JOAN DE GUZMAN JOHN PAULO MELLONA KAWIT LUISITO MEDINA TECSON
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with