^

College student, nagbigti

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang may matin­ding problema sa pamilya kaya kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 20-anyos na college student matapos itong magbigti sa campus ng kanyang school sa Barangay Ca­bitan, bayan ng Mandaon, Masbate kahapon ng uma­ga. Bandang alas-5 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa shed house ng Dr. Emilio B. Espinosa Sr. Memorial State College of Agriculture and Technology ang biktimang si Catalino Canete Monterde Jr., 3rd year college at nakatira sa  Barangay Daraga, bayan ng Placer, Masbate. Sa ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na matamlay at walang kibo sa kanyang mga kaklase kung saan hindi naman inakala ng mga kaibigan na magpapakamatay ito.

BANDANG BARANGAY CA BARANGAY DARAGA CATALINO CANETE MONTERDE JR. DR. EMILIO B ESPINOSA SR. MEMORIAL STATE COLLEGE OF AGRICULTURE AND TECHNOLOGY MANDAON MASBATE PINANINIWALAANG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with