^

Probinsiya

Gasolinahan hinoldap

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isang kilalang gasolinahan sa Brgy. Graceville, San Jose Del Monte City, Bulacan ang hinoldap ng tatlong kalalakihan na tinangay ang baril ng sekyu at kinitang pera rito kamakalawa ng mada­ling araw.

Dumulog sa  himpilan ng pulisya upang magreklamo ang mga biktimang sina Godofredo Hego 49, security guard, residente ng Brgy. Tungkong Mangga sa naturang lugar at hindi pinangalanang lalaking cashier na kapwa nakatalaga sa Petron gas station sa Brgy. Graceville.

Base sa imbestigasyon ni PO3 Enrique Bolina dakong ala-1:50 ng madaling araw ay hinoldap ng tatlong armadong lalaki ang nasabing gasolinahan.

Wala namang nagawa ang sekyu rito matapos na tutukan ng baril ng mga suspek at tinangay din ang hindi pa mabatid na halaga ng perang kinita ng Petron gas station. Iniimbestigahan pa ang kasong ito. (Boy Cruz)

 

vuukle comment

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN

ENRIQUE BOLINA

GODOFREDO HEGO

GRACEVILLE

PETRON

SAN JOSE DEL MONTE CITY

TUNGKONG MANGGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with