^

Probinsiya

4-anyos patay sa landslide, 3 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang isang 4-anyos na batang lalaki habang tatlo namang miyembro ng pamilya nito ang nasugatan sa landslide sa Brgy. Balensong, North Upi, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ranin Tuniakao na nababalutan ng putik sa buong katawan ng marekober ng rescue team.

Samantala,  ang  tatlong miyembro ng pamilya nito na sina Wilfredo Tuniakao, ama ng biktima, misis nitong si Nerissa at 4 anyos na kakambal ni Ranin na batang babae ay sugatang nailigtas lamang nitong Huwebes ng hapon ay dinala na sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Sa naantalang ulat ng Office of Civil Defense Central Min­danao, naganap ang insidente noong Miyerkules bandang alas-8 ng gabi matapos na kumain ng hapunan ang mga biktima.  Nabatid na sa gitna ng malalakas na pagbuhos ng ulan ay biglaang gumuho ang bundok na tumabon sa tahanan ng pamilya Tuniakao na nasa ibabang bahagi nito sanhi ng paglambot ng lupa.

 

vuukle comment

BALENSONG

BRGY

HUWEBES

KINILALA

MAGUINDANAO

NORTH UPI

OFFICE OF CIVIL DEFENSE CENTRAL MIN

RANIN TUNIAKAO

WILFREDO TUNIAKAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with