Magkumpare nagpatayan
MANILA, Philippines - Bulagta ang 54-anyos na magsasaka matapos itong saksakin at mapatay ng binatang anak ng kanyang napatay na ama na sinasabing sympathizer ng mga rebeldeng New People’s Army sa Barangay Kauswagan, bayan ng Loreto, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang napatay na sinasabing nagsimula ng kaguluhan na si Leoncio Villamor habang idineklara namang patay sa Tagum Hospital ang kumpare nitong nilaslas ang leeg na si Virgilio Silawan, 55.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Isagani Galo, 18, matapos na mapaslang ang niresbakang sumaksak at lumaslas sa leeg ng kaniyang amain.
Sa ulat ni P/Supt. Romaldo Bayting na nakarating sa Camp Crame, nag-iinuman sina Silawan at Villamor nang sumiklab ang pagtatalo kaugnay sa isyung pakikisimpatiya at pagsuporta ni Silawan sa mga rebelde.
Humantong naman sa pananaksak ni Villamor kay Silawan ang kanilang pagtatalo kung saan tinangka pang pumasok sa bahay kaya niresbakan ito ni Galo.
- Latest