Chairman ng MNLF, 2 pa sugatan sa road mishap, aide patay
MANILA, Philippines - Sugatang isinugod sa pagamutan si dating CotaÂbato City Mayor Muslimin Sema, Chairman ng isa sa mga paksyon ng Moro National Liberation Front (MNLF) at dalawang iba pa habang patay naman ang isa sa mga aide nito matapos na mabangga ng trailer truck ang sinasakyan nilang van sa national highway ng Datu Anggal Midtimbang, MaguinÂdanao nitong Biyernes.
Ayon kay Sr. Supt. Rodelio Jocson, Provincial Director ng Maguindanao Police, nasa maayos ng kalagayan si Sema na nasugatan sa ulo sa banggaan. Si Sema ay Chairman ng Executive Council of 15 ng isang paksyon ng MNLF na lumagda sa peace agreement sa pamahalaan noong 1996.
Sinabi ng opisyal na si Sema ay inilipat na ng pagaÂmutan ng kapatid nitong si Romeo Sema, Secretary General ng MNLF Central Committee sa isang pagaÂmutan sa Davao City.
Gayunman, sinabi ni Jocson na minalas na masawi sa insidente ang isa sa mga security escort ni Sema na kinilalang si Bandon Ampatuan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang dalawa pa sa mga sugatang aide ng opisyal na sina Nords Dimasangkay at Samad Tasil.
Sa imbestigasyon, pasado alas-11 ng tanghali kasalukuyang lulan si Sema ng van nito na bumabagtas sa pakurbadang bahagi ng national highway galing General Santos City patungo sa lungsod ng Cotabato ng mangyari ang insidente sa nasabing bayan nang mabangga ang mga ito ng kasalubong na humahagibis na trailer truck.Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.
- Latest