^

Pang Movies

PBB sure na sa GMA?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Masaya ito kung totoong ilalagay sa GMA Prime this year ang nagbabalik na Pinoy Big Brother at sa June 2024 na raw ang airing nito. Ibig sabihin, magiging collab ng ABS-CBN at GMA Network ang PBB at ibig din sabihin, may mga Kapuso stars and talents na puwedeng mag-audition at makasama sa show.

May post si Direk Lauren Dyogi ng photos nina Bianca Gonzales, Enchong Dee, Melai Cantiveros, Robi Domingo, at Kim Chiu at may caption na “Abangan!!!) More details soon! at naka-tag ang apat. Ang dating nito sa Kapa­milya fans, ang apat ang magiging host sa pagbabalik ng PBB.

May mga binanggit na pangalan na ang fans kung sinong Kapamilya at Kapuso stars ang gusto nilang makita sa loob ng PBB house kapag celebrity edition na. Exciting daw makitang sama-sama ang Kapamilya at Kapuso stars kapag nagkataon.

Fans ng KathDen, grabe ang okrayan

Nag-ookrayan ang ilang Aldub fans na hindi matanggap na nali-link si Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa ilang KatNiel fans na ayaw din kay Alden para kay Kathryn. Nagpapalitan sila nang pang-iinsulto sa dalawa na ang kanilang mga idolo ang nagiging biktima.

Sabi ng ilang Aldub fans, ginawang waiter ng mga Bernardo si Alden noong housewarming party nila dahil sa nakitang video na nag-served ng drinks ang aktor sa mga bisita nina Kathryn. Bukod sa ginawang waiter, naging alalay pa raw si Alden ni Kathryn dahil naman ito sa hawak ni Alden ang mini fan ni Kathryn na dala nito sa pag-i-entertain ng mga bisita. Nakita kasing hawak na ni Alden ang mini fan ni Kathryn habang sila’y magkatabi.

Hindi pa puwedeng si Alden mismo ang nag-volun­teer na mag-serve ng drinks sa mga bisita? Siguradong nag-volunteer din itong hawakan ang mini fan ni Kathryn at hindi ipinahawak sa kanya.

Sa parte naman ng Aldub fans, may nag-comment na kay “sakang” lang pala mapupunta si Alden na si Kathryn ang tinutukoy. Hindi ba alam ng basher na matagal nang tanggap ni Kathryn ang imperfection niyang ito? Ang importante, masaya, maganda, sikat at mayaman siya.

Hindi matatapos ang okrayan ng dalawang kampo, lalo na kapag itinodo na ni Alden ang panliligaw kay Kathryn at habang may ilang Aldub fans na naniniwala pa ring mag-asawa sina Alden at Maine Mendoza at may tatlong anak.

Beauty laging nagdi-display ng katawan

Sinagot ni Beauty Gonzalez ng “Sometimes is better than never” ang netizen na nag-comment ng “You’re trying too hard sometime.” Dahil ito sa sunud-sunod na post ni Beauty na kundi naka-one piece swimsuit ay naka-two piece. Marami ang nag-react, lalo na sa post niyang naka-swimsuit kasama ang anak na si Olivia.

Kawawa raw si Olivia na lumalaki na may nanay na kagaya niya. Parang gustong palabasin ng nag-comment na bad thing ang sumayaw na naka-swimsuit kasama ang anak kahit magsu-swimming silang mag-ina.

Hindi na sinagot ni Beauty ang nag-comment na para siyang uod kung sumayaw dahil walang curve. Dagdag pa ng netizen, kung may pera lang siya, siguradong mas sexy pa siya kay Beauty.

Hindi nga sumagot si Beauty, pero full force sa pagdepensa sa kanya ang kanyang followers at nakakatawa ang hiritan ng fans ni Beauty laban sa mag-isang malakas ang loob na sabihing mas sexy siya kay Beauty kung may pera siya.

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with