Sayang
Panalo na sa regulation, overtime at second overtime.
Well, sana.
In the end, olats ang Gilas Pilipinas sa New Zealand, 106-102, sa kanilang FIBA World Cup Qualifiers Group A match sa Auckland nung Biyernes.
Hinayang na hinayang si coach Tim Cone. Nandun na ang panalo dahil lamang pa tayo sa crucial stages ng laban.
Nag-sorry si coach Tim sa mga Pinoy basketball fans. Inamin niya na masakit ang nangyari.
Kinumpara pa niya ang Gilas kay Alex Eala, ang ating 21-year-old na tennis sensation.
Sabi ni coach Tim, mabuti pa si Eala, nanalo ng first two matches niya sa Wimbledon at kagabi eh sasabak sa defending champion at former world No. 1 na si Iga Swiatek ng Poland.
“Painful,” sabi niya.
Malungkot siya na dehins napantayan ng Gilas ang panalo ni Eala.
Fourth straight loss na natin sa New Zealand matapos natin sila bulagain sa MOA Arena nung 2024.
Dehins pa naman tapos ang laban dahil may game pa against Australia bukas. At kahit matalo dito, sokpa pa rin tayo sa Round 2 dahil Guam lang ang tsugi sa group natin.
Mas maganda pa rin ang manalo.
Pati si Eala, manalo sana.
- Latest




















