^

PSN Palaro

Diving pinatibay ng PAI

Philstar.com
Diving pinatibay ng PAI
Ang Philippine diving team (mula kaliwa) head coach Marie Dimanche, Rose Ann Ocmer diver, Fabriga/Cui, coaches at PAI executive director Anthony Reyes.

MANILA, Philippines — Pinagpatibay ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) ang diving para sa pag-diskubre ng mga talented swimmers na lalahok sa 2025 Southeast Asian Games ngayong Disyembre sa Bangkok, Thailand.

Sabi ni PAI Executive Director Anthony Reyes sa pamamagitan nina PAI president Miko Vargas at Secretary-Gerenral Eric Buhain at ng Philippine Sports Commission, ibibigay lahat para sa mga atleta ang kinakailangang suporta kabilang na ang allowances, training at international exposures para makamit ang layunin na matagal ng minimithi.

“Kakayanin natin na mapagtagumpayan at iangat ang swimming dahil sa magandang program na ngayon. Mula ng mabuo ang PAI sunud-sunod ang tagumpay natin hindi lamang sa swimming pati na sa artistic swimming, water polo, open swimming at diving,” ayon kay Reyes sa Tabloids Organization in Philippine Sports Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa PSC Badminton VIP Room sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Kabilang sa dapat pagtuunan ng tiwala ay ang 20-anyos si Rose Ann Ocmer na nag-uwi ng gintong medalya (open platform) at bronze medal (1m open event) mula sa 2nd Parisakit Diving international competition na ginanap sa Indonesia nakaraang linggo.

“Talaga pong nagpupursige kami sa training. Gusto naming matumbasan ng tagumpay ang sakripisyo ng aming mga opisyal  gayundin ng ating mga kababayan. At sa maayos na liderato ng PAI nakakabalik na kami sa regular training at unti-unti nababalik na yung kumpiyansa namin na medyo bumaba dahil sa mga naging kabiguan sa nakalipas na torneo,” pahayag ni Ocmer.

Inamin naman ni PAI Director at diving head Marie DeCastro Dimanche na napakahirap makakuha ng atleta sa diving sa kabila ng hindi matatawarang bilang ng mga talento mula sa lalawigan. 

“First, limitado ang ating training venue kaya sa ngayon dito kami sa Manila naka-concentrate, dahil sa Rizal memorial diving pool ang pinakamalapit. Yung sa Ultra inaayos na dahil wala kaming land training doon samantala sa Clark masyadong malayo para sa ating mga atleta na lahat nag-aaral sa Manila at puro under-age pa,” pahayag ni Dimanche.

Sa kabila nito matatag, pursigido at determinado ang mga atleta sa pangangasiwa nina Chinese coach Gui at Olympian na si Rexcel Fabriga.

“Maraming talent sa probinsiya pero hirap kaming kumbinsihin ang mga parents na dalhin sila sa Manila. Hindi naman kami makaalis sa Manila para mag-training dahil nandito sila nag-aaral. One thing for sure, determinado ang ating mga atleta na makabawi sa SEA Games kaya may tatlong international exposure pa kami at training posible sa China,” sambit ni Dimanche. Ikinatuwa ni Reyes ang patuloy na pag-angat sa world ranking ng ilang ‘elite’ athletes sa swimming tulad nina Kyla Sanchez, Ciandi Chua, Alexander Eichler at Gian Santos na pawang kwalipikado na sumabak sa World Championship sa Hulyo.

Yung iba nating elite swimmiers may kanya-kanyan training sa abroad tulad nina SEA Games champion Chloe Isleta (Australia), Micaela Jasmine Mojdeh at Heather White (US). Pero sa August, kailangan nilang umuwi muna para sa National tryouts for the selection of the PH team sa SEA Games this December,” ayon kay Reyes.

DIVING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with