^

PSN Palaro

Rondina reresbak

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido si reigning MVP Sisi Rondina na makabawi matapos lumasap ang Choco Mucho ng kabiguan sa kamay ng Creamline Cool Sma­shers sa Premier Volleyball League (PVL) 2024 All-Filipino Conference.

Nagtamo ang Flying Titans ng 17-25, 22-25, 19-25 pagkatalo sa Cool Smashers kung saan nagtala naman si Rondina ng 17 puntos sa naturang laro.

Subalit nakita ang kahinaan ni Rondina na mayroong 8-of-25 output sa receptions  — bagay na nais nitong hasain pa para sa mga darating na krusyal na mga laro.

“Lumabas yung lapses ko sa receiving. Talagang pinag-aralan ng Creamline kung paano kami maglaro,” ani Rondina.

Para kay Rondina, marami pang dapat ayu­sin sa kanilang laro lalo pa’t papasok na ang liga sa krusyal na estado.

“Babawi kami, kaila­ngan pa naming magtrabaho para maplanstsa yung mga gusot,” ani Rondina.

Sunod na makakaharap ng Flying Titans ang Farm Fresh.

At asahan na ilalabas ng Choco Mucho ang buong puwersa nito upang masiguro ang magandang puwesto nito sa semis.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with