^

PSN Palaro

Beermen nilasing ang Fiberxers

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen nilasing ang Fiberxers
Tinirahan ni June Mar Fajardo ng San Miguel ng jump shot si Justin Arana ng Converge.
PBA Image

MANILA, Philippines — Nagpabugbog muna ang San Miguel sa first half bago resbakan ang Con­verge, 112-103, sa Sea­son 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bumangon ang Beermen mula sa isang 12-point de­ficit sa second period para iposte ang matayog na 6-0 record.

Lagapak naman ang Fi­berXers sa 0-8.

Tumipa si CJ Perez ng 25 points, 10 rebounds at 3 assists sa pagbandera sa San Miguel, habang may tig-19 at 18 markers sina Mar­cio Lassiter, Don Trolla­no at Terrence Romeo, ayon sa pagkakasunod.

Kumalawit si seven-time PBA MVP June Mar Fa­jardo ng 14 points, 17 boards at 4 blocks.

Nabalewala ang career-high 36 markers ni guard Alec Stockton para sa Converge.

Itinala ng FiberXers ang 34-22 bentahe mula sa da­lawang free throws ni Stockton sa pagbubukas ng second quarter patungo sa 50-43 halftime lead.

Pagdating sa third pe­riod ay nagsalpak si Las­siter ng limang three-point shots, ang huli ay nagbigay sa Beermen ng 69-58 abante sa 6:28 minuto nito.

Ipinoste ng SMB ang 25-point lead, 93-68, matapos ang triple ni 6-foot-8 Mo Tautuaa sa huling 33 se­gundo.

vuukle comment

CON­VERGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with