Sen. Go, Clarin susugpuin ang game-fixing
MANILA, Philippines — Dumalo si Games and Amusements Board (GAB) chairman Atty. Richard S. Clarin sa isinagawang Senate hearing ng Committee on Sports at Committee on Games and Amusements kaugnay sa mga alegasyon ng game-fixing sa amateur at professional sports sa bansa.
Nagbigay ng kanyang opinyon sa nasabing kontrobersiya si Clarin bilang bahagi pa rin ng kanyang ‘3XPRO’ advocacy na i-promote, i-professionalize at protektahan ang Philippine sports.
Nangako si Clarin na tutulong kay Sen. Bong Go sa pagsugpo sa game-fixing sa anumang sports.
“The Senate inquiry aims to study possible amendments to sharpen the teeth of the present anti-game fixing law.,” wika ni Clarin.
“As mandated by law to regulate and supervise professional sports in the country, the GAB laid out timely measures to maintain the integrity of various professional sports under its jurisdiction, keeping them fair and competitive in line with the GAB’s 3xPRO advocacy to promote, professionalize and protect Philippine sports,” dagdag ng GAB chief.
- Latest