^

PSN Palaro

Cardinals, Red Lions unahan sa 1-0 bentahe sa NCAA Finale

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Higit sa tatlong dekada nang hindi nakakatikim ng kampeonato ang Mapua University, habang ang ika-12 korona ang target ng San Beda University.

Magtutuos ang Cardinals at Red Lions ngayong alas-2 ng hapon sa Game One ng NCAA Season 99 men’s basketball championships sa MOA Arena sa Pasay City.

Sinibak ng No. 1 Mapua ang No. 4 College of St. Benilde, samantalang dalawang beses tinalo ng No. 3 San Beda ang No. 2 Ly­ceum of the Philippines Uni­versity sa Final Four para itakda ang kanilang best-of-three titular showdown.

Huling naghari ang Cardinals sa NCAA noong 1991 at target ang pang-pitong titulo sa kabuuan.

“Focus muna sa Game One,” sabi ni Mapua coach Randy Alcantara na mi­yembro ng nasabing champion team ng Intramuros-based team.

Sina Clint Escamis, Pao­lo Hernandez at Warren Bonifacio ang muling aa­sahan ni Alcantara para sa Cardinals.

Sasandigan ng Red Lions sina Jacob Cortez, Jomel Puno, James Pa­yo­sing at Yukien Andra­da.

“Tingin ko kasi pang-sixth na do-or-die na namin ito eh, simula nang matalo kami sa Mapua,” ani coach Yuri Escueta.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
By Abac Cordero | 18 hours ago
18 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with