^

PSN Palaro

Wembanyama No. 1 pick ng Spurs; Paul sa Warriors na

Pilipino Star Ngayon
Wembanyama No. 1 pick ng Spurs; Paul sa Warriors na
French basketball player Victor Wembanyama arrives for a press event ahead of the NBA draft, in New York City on June 21, 2023. A new era for basketball gets under way on June 22, when Wembanyama is set to be chosen by the San Antonio Spurs with the top pick in the NBA Draft.
Timothy A. Clary / AFP

NEW YORK - Kagaya ng inaasahan, hinirang ng San Antonio Spurs si Victor Wembanyama bilang No. 1 overall pick sa 2023 NBA Draft kahapon dito sa Barclays Center.

Niyakap ng 7-foot-4 center mula sa France ang kanyang pamilya matapos kumpirmahin ng Spurs ang pagpili sa kanya.

“Just accomplishing something that I’ve been dreaming about my whole life,” sabi ni Wembanyama. “Hearing that sentence from Adam Silver, I’ve dreamed of it so much -- I’ve gotta cry.”

Ang 19-anyos na si Wembanyama ang ikatlong big man na piniling top overall selection ng San Antonio matapos sina David Robinson (1987) at Tim Duncan (1997).

Gumawa naman ng NBA history ang kambal na sina Amen Thompson (Houston) at Ausar Thompson (Detroit) matapos mapili bilang No. 4 at No. 5 picks, ayon sa pagkakasunod, bilang unang magkapatid na nakuha sa top 5.

Samantala, kinuha ng Golden State Warriors si veteran guard Chris Paul mula sa Washington Wizards kapalit ni Jordan Poole.

Bukod kay Poole ay ibibigay din ng Warriors sa Wizards si Ryan Rollins at dalawang future draft picks para makuha ang 12-time All-Star at five-team season assists leader na si Paul.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with