^

PSN Palaro

Menor hahataw para sa Lady Altas

Pilipino Star Ngayon
Menor hahataw para sa Lady Altas
Si volleyball star Jem Me­nor (gitna) kasama sina Perpetual Help Junior Lady Altas coach Jason Sapin (kaliwa) at Lady Altas mentor Sandy Rieta (kanan).
STAR/File

MANILA, Philippines — Maglalaro si NCAA Season 99 girls’ volleyball Finals MVP Jem Menor ng University of Perpetual Help System DALTA para sa Lady Altas sa darating na Season 100.

Iginiya ni Menor ang Perpetual Junior Lady Altas sa pagkopo sa nakaraang NCAA Season 99 Volleyball Fiesta girls championship.

Sa pagbibida ni Menor ay winalis ng Perpetual ang Arellano, 2-0, sa kanilang best-of-three title series.

Bumanat ang tubong Bani, Pangasinan ng 23 points sa panalo ng Junior Lady Altas sa Game One at muling naging susi sa pagkumpleto sa 2-0 sweep sa Game Two.

Sa kanyang pagtatapos sa Grade 12 sa Hunyo 19 ay kukuha si Menor ng Marketing course sa college.

Matapos kumampanya para kay coach Jason Sapin sa Junior Lady Altas ay maglalaro naman si Menor para kay mentor Sandy Rieta sa Lady Altas sa darating na NCAA Season 100.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
4 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with