^

PSN Palaro

Bolts tutuluyan ang Beermen sa game 6

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts tutuluyan ang Beermen sa game 6
Pinagtulungan nina center Raymond Almazan at forward Allein Maliksi ng Meralco Bolts si San Miguel Beermen big man Moala Tautuaa sa pag-aabang sa rebound sa Game Five ng PBA Finals.
Kuha ni Russell Palma

MANILA, Philippines — Walang nag-akalang uungusan ng Meralco ang isang powerhouse team na kagaya ng San Miguel Beer sa isang championship series.

Tangan ang 3-2 lead sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Beermen, abot-kamay na ng Bolts ang pag­kopo sa kauna-unahang PBA crown sapul nang pu­masok sa liga noong taong 2010.

Pipilitin ng Meralco na tapusin ang San Miguel nga­yong alas-6:15 ng gabi sa Game Six ng Season 48 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Inagaw ng Bolts ang nasabing bentahe sa serye ma­­tapos itakas ang dramatikong 92-88 panalo kontra sa Beermen sa Game Five noong Biyernes.

“What’s something to be happy about? Wala pa naman, eh. We don’t think sa future. Stay in the moment and prepare for Sunday’s game,” ani Allein Maliksi na umiskor ng 22 points kagaya ni Chris Newsome para sa Meralco.

Nabalewala naman ang hinakot na 38 points at 18 rebounds ni seven-time PBA MVP at 10-time Best Player of the Conference June Mar Fajardo para sa SMB.

“Sisipagan namin iyong next game kasi gusto naming mag-champion,” sabi ng 34-anyos na si Fajardo. “Hindi namin basta-basta ibibigay iyon.”

Sa pangunguna ng 6-foot-10 na si Fajardo ay nakabangon ang Beermen mula sa 0-3 deficit sa Alaska Aces sa PBA Finals para pagharian ang 2016 Philippine Cup.

Inaasahan ni Bolts’ head coach Luigi Trillo na mas magiging pisikal ang bakbakan.

“Both teams are always ready. I mean, it’s a best-of-seven series, I don’t think anybody’s going to have their guard down,” wika ni Trillo na dating ginabayan ang Aces sa PBA crown noong 2013 Commissioner’s Cup.

Nauna nang nabigo ang Meralco sa karibal na Barangay Ginebra ni coach Tim Cone sa nakaraang Season 41, Season 42, Season 44 at Season 46 Governors Cup Finals.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
5 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with