^

PSN Palaro

Pacquiao giba sa Paradigm, pinagbabayad ng korte ng $5 milyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napatumba si dating Filipino world-eight division champion Manny Pacquiao hindi sa loob ng bo­xing ring kundi sa isang korte sa Amerika.

Ito ay matapos siyang utusan ng isang US jury na magbayad ng $5.1 mil­yon o halos P282 milyon sa Paradigm Sports Ma­nagement (PSM) mula sa civil lawsuit na isinampa nito laban kay ‘Pacman’.

Kasama sa nasabing $5.1 milyon na babayaran ni Pacquiao sa PSM ay ang $1.8 milyon para sa dama­ges at ang $3.3 milyon para sa advance payment na ibinigay ng PSM sa boxing legend.

Sa naturang demanda ng PSM ay sinabi nitong sinira ni Pacquiao ang kanilang kontrata matapos siyang makipagkasundo sa isa pang promotional company na TGB Promotions.

Nakipagkasundo si Pac­quiao sa PSM para ayusin ang laban nila ni da­ting UFC superstar Conor McGregor.

Ngunit hindi ito naplan­t­sa.

Sa huli ay pumayag ang Pinoy boxing icon na sagupain si American bo­xer Errol Spence Jr. noong Agosto ng 2021, ngunit pinalitan ni Yordenis Ugas dahil sa injury nito.

Minalas si Pacquiao kay Ugas na kanyang naging pinakahuling professional fight.

Matapos ito ay nilaba­nan at tinalo ni Pacquiao si Korean video blogger DK Yoo sa isang exhibition fight noong Disyembre ng 2022.

vuukle comment

AMERIKA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with