^

PSN Palaro

Chua sinapawan si Biado para sa SEAG gold

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang dalawang pagkakamali ni Carlo Biado ang sinamantala ni Johann Chua para agawin ang 9-6 panalo sa kanilang all-Pinoy finals at kunin ang gold medal sa men’s 9-ball singles sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ito ang unang gintong medalya ng 29-anyos na si Chua sa SEA Games matapos sumargo ng tanso sa men’s singles noong 2017 edition sa Kuala Lumpur at tanso rin sa men’s doubles noong 2019 Manila edition.

Nauna nang inangkin ni Rubilen Amit ang gold sa women’s 9-ball singles ng Vietnam SEA Games mula sa 7-2 panalo kay Singaporean Jessica Chan noong Martes.

Naimintis ni Biado, ang 2021 U.S. Open champion, ang panabla sanang tira kundi lamang umalog ang kanyang tumbok para sa 9-ball sa 12th rack.

Sinamantala ito ni Chua para kunin ang 7-5 abante.

Hindi na naman naipasok ni Biado ang eighth ball matapos isalpak ang fourth at sixth balls na nagresulta sa pagkonekta ni Chua sa eighth at ninth balls para sa kanyang panalo.

 

SEA GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with