^

PSN Palaro

Yulo humakot ng 5 golds, 2 silvers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Yulo humakot ng 5 golds, 2 silvers
Inangking ni Caloy Yulo ang kanyang ika-4 na ginto sa vault sa gymnastic event ng 31st SEA Games sa Hanoi Vietnam.
Jun Mendoza

Pinas tumalon sa no. 3 spot

MANILA, Philippines — Hinirang si two-time world champion Caloy Yulo bilang atletang may pinakamaraming gold medal sa hanay ng Team Philippines sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Hanoi, Vietnam.

Tinapos ng 22-anyos na si Yulo ang kanyang kampanya matapos kunin ang dalawang gintong medalya sa vault (14.800 points) at high bar (13.867 points) para sa kabuuang limang ginto na unang nagawa ni gymnast Rolando Albuera noong Jakarta 1979 SEA Games.

Nauna nang nagwagi ang Tokyo Olympian sa individual all-around, floor exercise at still rings at may silver sa parallel bars at team competition.

Ang isang gold medal sa SEA Games ay may katapat na cash incentive na P300,000 habang ang silver at bronze ay P150,000 at P60,000, ayon sa pagkakasunod.

Noong 2019 Manila SEA Games ay kumubra si Yulo ng dalawang gold at limang silver medals.

Inangkin naman ni Fil-Am Aleah Finnegan ang silver sa women’s balance beam para sa ikaapat niyang medalya dagdag sa gold sa vault at team event at silver sa individual all-around.

Nakahugot din ang Pinas ng mga ginto sa dan­cesport, bowling, athletics at taekwondo competitions para kumolekta ng 30 golds, 34 silvers at 43 bronzes at manatili sa No. 3 spot sa medal standings.

Tatlong ginto ang inangkin nina Ana Nualla at Sean Aranar sa Single Standard Dance Tango, Single Dance Standard Viennese Waltz at All Five Dances Standard ng dancesport.

Nagdagdag ng tig-isang ginto sina Mark Gayon at Mary Renigen sa Single Standard Slow Foxtrot at sina Ana Leonila at Sean Mischa sa Tango.

Naghari si Merwin Tan sa men’s singles para sa unang ginto ng bansa sa bowling matapos magkampeon si Frederick Ong noong  2011 Jakarta SEAG.

Nagpagulong ang 22-anyos na si Tan ng total score na 1292.

Sa athletics, itinakbo ni Clinton Kingsley Bautista ang gold medal sa men’s 110-meter hurdles sa bilis na 13.78 segundo para sirain ang sariling 13.97 marka noong 2019 Manila SEAG.

Unang kumolekta ng ginto at nagposte ng bagong marka sa athle­tics sina World No. 6 pole vaulter Ernest John Obiena at Fil-Am William Morrison sa shot put.

Sa taekwondo, sinikwat ni Jocel Lyn Ninobla ang gintong medalya sa wo­men’s individual recognized poomsae event.

Nilangoy naman ni tan­ker Chloe Isleta ang ginto  sa women’s 200m backstroke event ng swimming competition.  

vuukle comment

CALOY YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with