^

PSN Palaro

Fans bawal muna uli sa PBA

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fans bawal muna uli sa PBA
to ang inihayag ng pamunuan ng liga kung saan muli itong maghihigpit sa patakaran upang masiguro na ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).
STAR / File

MANILA, Philippines — Bawal muna ulit ang live audience sa oras na magbalik-aksyon ang Phi­lippine Basketball Association (PBA) Governors’ Cup sa unang linggo ng Pebrero.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng liga kung saan muli itong maghihigpit sa patakaran upang masiguro na ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).

Bumababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) su­balit nananatiling mataas ang bilang ng kaso sa buong bansa partikular na sa ibang mga probinsiya.

Kaya naman ayaw magpakampante ng PBA.

Ipatutupad ng liga ang home-venue-home set up kung saan muling idaraos ang mga laro sa isang closed door venue.

Aprubado na ng PBA ang pagsisimula ng scrimmages ng mga teams para sa nakatakdang resumption ng liga. Nakaabang na lamang ito sa magi­ging sagot ng Metro Manila Development Authority, Games and Amusement Board at mga local go­vernment units kung saan nakapaloob ang training venues ng 12 PBA teams.

“We’re now talking to them. That’s the reason why the MMDA will play a big role in our talks with the different LGUs,” ani Marcial.

Numero uno pa rin sa listahan ng PBA ang mga venues ng Ynares Sports Arena sa Pasig City, Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City para pagdausan ng mga laro.

Tututukan muna ng PBA na masimulan ang resumption ng Govenors’ Cup bago gumawa ng hakbang para naman pahintulutang makapanood ang mga fans.

Nakasalalay ang lahat sa magiging alert level status ng Metro Manila kung papayagan ang live audience.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with