^

PSN Palaro

Serbia pinahirapan nang husto ngunit... Gilas kinapos!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Serbia pinahirapan nang husto ngunit... Gilas kinapos!
Sinaky a n ni Gilas star Angelo Kouame ang Serbian player para sa kanyang layup
STAR/ File

MANILA, Philippines — Lumabas ang bagsik ng Gilas Pilipinas ngunit kinapos ito sa huling bahagi ng laban upang isuko ang 76-83 kabiguan sa kamay ng world No. 5 Serbia kahapon sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginaganap sa Belgrade, Serbia.

Nagawang magtala ng Serbia ng 16 puntos na kalamangan sa ikatlong kanto subalit bumulusok ng husto ang bagitong Gilas squad na tinampukan ng basket ni Mike Nieto para maitabla sa 67-all ang laro.

Naisalpak ni RJ Abarrientos ang umaatikabong basket para makuha ng Gilas ang 74-73 kalamangan sa huling 3:51 ng laban.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ng Pinoy squad matapos umariba ang mas beteranong Serbian team ng 10-2 run para makuha ang panalo.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si naturalized player Angelo Kouame tangan ang 17 puntos, pitong rebounds, tatlong blocks at dalawang assists.

Nag-ambag naman si Jordan Heading ng 13 puntos habang may tig-10 markers sina Kai Sotto at Justine Baltazar.

Nagtala si 7-foot-5 Boban Marjanovic ng 25 points at 10 rebounds para sa Serbia.

Umangat ang Serbia sa 2-0 para masikwat ang u­nang silya sa semis habang bagsak sa 0-1 ang Pilipinas.

Sa kabila ng magandang ipinamalas ng Gilas Pilipinas, hindi kuntento si head coach Tab Baldwin ngunit proud ito sa ipinakita ng kanyang tropa.

“A lot of people will see this as a moral victory but I’ve been in this game for such a long time, I just don’t believe in those. They would have put Serbia under more pressure than they were late in the game,” ani Baldwin.

Gayunpaman, masaya ito dahil maraming natututunan ang kanyang bataan laban sa mga beteranong players sa Olympic qualifiers.

Nakatakdang harapin ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic, alas-2:15 ng madaling araw.

May parehong 0-1 marka din ang Dominican Republic na lumasap ng kabiguan sa Serbia sa opening day.

Ang mananalo sa Philippines-Dominican Republic game ang aabante sa semifinals.ng magtala ng Serbia ng 16 puntos na kalamangan sa ikatlong kanto subalit bumulusok ng husto ang bagitong Gilas squad na tinampukan ng basket ni Mike Nieto para maitabla sa 67-all ang laro.

Naisalpak ni RJ Abarrientos ang umaatikabong basket para makuha ng Gilas ang 74-73 kalamangan sa huling 3:51 ng laban.

Ngunit iyon na lamang ang nakayanan ng Pinoy squad matapos umariba ang mas beteranong Serbian team ng 10-2 run para makuha ang panalo.

Nanguna para sa Gilas Pilipinas si naturalized player Angelo Kouame tangan ang 17 puntos, pitong rebounds, tatlong blocks at dalawang assists.

Nag-ambag naman si Jordan Heading ng 13 puntos habang may tig-10 markers sina Kai Sotto at Justine Baltazar.

Nagtala si 7-foot-5 Boban Marjanovic ng 25 points at 10 rebounds para sa Serbia.

Umangat ang Serbia sa 2-0 para masikwat ang u­nang silya sa semis habang bagsak sa 0-1 ang Pilipinas.

Sa kabila ng magandang ipinamalas ng Gilas Pilipinas, hindi kuntento si head coach Tab Baldwin ngunit proud ito sa ipinakita ng kanyang tropa.

“A lot of people will see this as a moral victory but I’ve been in this game for such a long time, I just don’t believe in those. They would have put Serbia under more pressure than they were late in the game,” ani Baldwin.

Gayunpaman, masaya ito dahil maraming natututunan ang kanyang bataan laban sa mga beteranong players sa Olympic qualifiers.

Nakatakdang harapin ngayong araw ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic, alas-2:15 ng madaling araw.

May parehong 0-1 marka din ang Dominican Republic na lumasap ng kabiguan sa Serbia sa opening day.

Ang mananalo sa Philippines-Dominican Republic game ang aabante sa semifinals.

vuukle comment

GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with