^

PSN Palaro

Tigers dumikit na sa titulo

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabitawan man ng Davao Occidental Tigers ang double-digit lead sa second quarter ay hindi naman nila isinuko ang panalo sa nagdedepensang San Juan Knights.

Pinulutan ng Tigers ang Knights sa Game Three, 66-58, para makalapit sa korona ng MPBL Lakan Season National Finals kahapon sa Subic Bay Gym.

Inagaw ng Davao ang 2-1 abante sa kanilang best-of-five titular showdown ng San Juan at kailangan na lamang muling manalo sa Game Four ngayong alas-4 ng hapon para tuluyan nang angkinin ang korona.

Nauna nang itinakas ng Tigers ang 77-75 overtime win sa Game One bago rumesbak ang Knights sa Game Two, 70-65, para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.

Itinayo ng Davao ang 39-25 abante sa huling 1:32 minuto bago ang halftime hanggang makalapit ang San Juan sa 53-56 mula sa triple ni John Wilson sa 6:44 minuto ng fourth quarter.

Nakadikit ang Knights sa 58-64 sa huling 1:17 minuto kasunod ang basket ni Chester Saldua para sa 66-58 bentahe ng Tigers sa huling 22.5 segundo ng labanan.

Samantala, liliban ang Zamboanga Family’s Brand Sardines sa susunod na MPBL Season 4, planong simulan sa Hunyo 12, dahil ng estado ng ekonomiya.

vuukle comment

TIGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with