^

PSN Palaro

Casimero atat nang magbalik sa ring

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Casimero atat nang magbalik sa ring
Casimero
STAR/ File

MANILA, Philippines — Gigil nang sumabak si reigning World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion Johnriel Casimero matapos makailang ulit na maudlot ang laban nito kay Japanese fighter International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Naoya Inoue.

Dumalaw si  MP Promotions chief Sean Gibbons sa tinutuluyan ni Casimero at ng kanyang buong team sa Las Vegas, Nevada kung saan kitang-kita ng American promoter ang apoy sa mga mata ng Pinoy champion.

Anumang araw ganapin ang laban, handa si Casimero na sumalang kontra kay Inoue dahil nasa perpektong kundisyon ang pangangatawan nito.

Ginawang training gym ang isang residential area na inuupahan ng kampo ni Casimero sa Las Vegas upang mapanatili ang kundisyon nito.

Sumasailalim si Casimero sa matinding ensayo para manatiling nasa porma hindi lamang sa pisikal na aspeto maging sa mental na kalagayan.

“He’s (Casimero) on fire and ready to fight. He’s out to bring down Inoue,” pahayag ni Gibbons.

Una nang nakatakda ang laban nina Casimero at Inoue noong Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas subalit nakansela ito dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Malaki ang epekto nito sa mental na preparasyon ng mga boksingero dahil maaaring posibleng mawala ang konsentrasyon na ginagawa ng mga ito.

Sa katunayan, nakatakda na sanang bumalik sa Pilipinas  si Nonoy Neri - isa sa mga trainer ni Casimero.

Ngunit kinansela muna ng grupo ang plano matapos mag-anunsiyo ang Top Rank Promotions na magbabalik ang operasyon nito sa Hunyo.

Puntirya ng Top Rank na maituloy ang Casimero-Inoue fight sa Hulyo 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino.

Magsisilbi itong closed-door event upang makaiwas sa pagkalat ng coronavirus.

Plano ng Top Rank na dalhin si Inoue sa Amerika anumang araw ngayong buwan ng Mayo o sa u­nang linggo ng Hunyo para ituloy ang laban nito kay Casimero.

vuukle comment

CASIMERO

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with