Stefanos Tsitsipas
Greece tinapos ang Philippines, 3-1
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilampaso ni Stefanos Tsitsipas ng Greece si Jeson Patrombon ng Pilipinas, 6-2-6-1, upang tapusin na ang laban sa 3-1, kahapon sa Davis Cup World Group II playoff tie sa Philippine Columbian Association Plaza Dilao clay courts sa Paco, Manila.

Sobrang lakas ang ipinakita ng ATP No. 6 ranking player para pumasok ang Greece sa World Group II main tournament.

Nauna rito, naiwasan ng Philippine national team na walisin ng Greece ang kanilang paghaharap matapos magwagi sina Ruben Gonzales at Francis Casey Alcantara kontra nina Petros Tsitsipas at Markos Kalovelonis, 7-6 (5), 6-4, sa doubles match.

Dahil sa talo,  napilitan ang 21-anyos na si Tsitsipas na maglaro sa reverse singles match kung saan hindi nakaporma si Patrombon sa husay ng world rated player.

Ito na ang ikalawang talo ni Patrombon sa mga Greko makaraang yumuko sa nakababatang kapatid ni Stefanos na si Petros, 2-6, 1-6, noong Biyernes habang nabigo rin si AJ Lim kay Stefanos, 2-6, 1-6, sa ikalawang singles match sa parehong araw.

STEFANOS TSITSIPAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with