^

PSN Palaro

Santisima pokus sa knockout vs Navarrete

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Santisima pokus sa knockout vs Navarrete
Kasado na ang salpukan matapos pumasok sina Santisima at Navarrete sa timbang sa ginanap na official weigh-in kahapon sa MGM Grand Garden.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ilalabas ni Pinoy pride Jeo Santisima ang buong puwersa nito upang maagaw ang korona ni reigning World Boxing Organization (WBO) super bantamweight champion Emanuel Navarrete ng Mexico sa kanilang duwelo ngayong araw sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kasado na ang salpukan matapos pumasok sina Santisima at Navarrete sa timbang sa ginanap na official weigh-in kahapon sa MGM Grand Garden.

Parehong may bigat na 122 pounds sina Santisima at Navarrete.

Ito ang pinakamalaking labang haharapin ni Santisima. Kaya naman hindi nito palalampasin ang lahat ng pagkakataon upang ipakita sa buong mundo ang kanyang kakayahan at abilidad.

Ilang buwang naghanda ang 23-anyos Pinoy pug.

Preparado na ang gagawing hakbang ni Santisima para mapatumba si Navarrete.

Kasalukuyang nasa ikalimang puwesto si Santisima sa WBO ranking.

Hawak nito ang 19-2 rekord tampok ang 16 knockouts.

Nakasakay si Santisima sa 17-bout winning streak na nais nitong maipagpatuloy kontra kay Navarrete.

Ayaw ni Santisima na matulad sa ilang boksingerong Pinoy na pinataob ni Navarrete sa kanyang mga nakalipas na laban.

Wala pang Pilipino na nananalo laban kay Navarrete.

Apat na Pinoy pugs na ang nakalaban nito - ang pinakahuli ay si Juan Miguel Elorte na lumasap ng fourth-round knockout loss kay Navarrete noong Setyembre 14, 2019 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.

vuukle comment

EMANUEL NAVARRETE

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with