Sweep sa Creamline
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Nasawata ng nagdedepensang Creamline ang Motolite sa bisa ng 25-19, 25-22, 24-26, 25-16 desisyon upang matamis na walisin ang eliminasyon sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gaya ng dati, sumandal ang Cool Smashers kina Jema Galanza at Michele Gumabao katuwang si playmaker Kyle Negrito para punan ang pagkawala nina top hitter Alyssa Valdez at setter Jia Morado.

Engrandeng winakasan ng Creamline ang eliminasyon bitbit ang matikas na 16-0 rekord.

Hindi nakapaglaro sina Valdez at Morado na kasalukuyang nagsasanay sa Japan kasama ang national team na naghahanda sa Southeast Asian Games.

Ngunit magbabalik ngayong araw sina Valdez at Morado para makasama ng Cool Smashers sa crossover semifinals.

Nahulog sa 10-6 ang Motolite para manatili sa ikaapat na puwesto sa pagpasok ng Final Four.

Maghaharap sa semis ang No. 1 Cool Smashers at No. 4 Power Builders habang magtutuos naman sa hiwalay na semis game ang  No. 2 PetroGazz at No. 3 BanKo Perlas.

Sinamantala naman ng Philippine Air Force ang pagkawala ni Pacific Town-Army ace spiker Jovelyn Gonzaga upang itakas ang 28-26, 25-20, 26-28, 26-24 panalo.

VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with