33rd double-double ni Yee para sa Davao
(Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

Passi City, Iloilo, Philippines — Ipinagpatuloy ni Davao Cocolife Tigers main man  Mark Yee ang kanyang impresibong paglalaro matapos ilista ang individual record na ika-33 double-double performance sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Nagtala si Yee ng 23 points at 16 rebounds matapos ungusan ng Tigers ang  Iloilo United Royals, 89-76 at manatili sa tuktok ng South division  dito sa City of Passi Arena kamakalawa ng gabi.

Iginiya ni Yee ang Tigers patungo sa kanilang ika-16 panalo sa 18 laro  habang nahulog naman ang Royals sa 9-7.

Ang magandang laro ni  Yee ang sinandigan ng koponan ni Dumper Party List Congresswoman Claudine Bautista at ayudante ni Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque.

Pinuri naman ni Davao Cocolife deputy team ma­nager Rey Alao ang consistent game ni Yee na nakahahawa sa teammates ang court-generalship nito.

“Mark (Yee) is a true leader inside the court every game and attitude-wise,” wika ni Alao.

Samantala, nilusutan ng Manila Stars ang Pasay Voyagers, 73-72 para palakasin ang kanilang tsansa sa top four spot sa North division.

 

 

 

 

MARK YEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with