Libranza at Dato umiskor ng KO wins
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod kay Manny Pacquiao, dalawa pang Filipino bo­xers ang nagposte ng magkahiwalay na impresibong pa­nalo sa undercard kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Nagposte si top flyweight prospect Genisis Libranza (19-0-1, 10 KOs) ng fourth-round KO victory laban kay Carlos Maldonado (11-4-0,7 KOs) ng Los Angeles, sa­man­talang pinahinto naman ni unbeaten flyweight John Leo Dato (12-0-1, 8 KOs) si Juan Antonio Lopez (12-0-1, 8 KOs) sa fifth round.

Nabigo naman si JayAr Inson (18-3-0, 12 KOs) na ipanalo ang kanyang laban nang mapabagsak ni Ka­zakhstan fighter Sergey Lipinets (16-1-0, 12 KOs) sa second round para sa World Boxing Organization in­tercontinental welterweight title.

Ang 28-anyos na si Inson ang pumalit sa 36-anyos na si John Molina Jr. (30-8-0, 24 KOs) na nagkaroon ng back injury.

GENISIS LIBRANZA JOHN LEO DATO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with