UST nabawi ang general championships
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling napasakamay ng University of Santo Tomas ang general cham­pionship sa UAAP Season 81 - ang kanilang ika-43 overall championship title sa liga.

Walang nakatibag sa Growling Tigers sa No. 1 position tangan ang kabuuang 282 puntos.

Nagkampeon ang UST sa beach volleyball (men at women), judo (men at women), table tennis (men at women) at women’s athletics habang puma­ngalawa ito sa men, women at poomsae ng taekwondo, women’s fen­cing at softball at women’s volleyball at pumangatlo sa women’s football, women’s basketball, men’s swimming at men’s tennis.

Pumangalawa lamang ang  La Salle na may 260 puntos habang umangat sa No. 3 ang A­teneo para saluhan ang University of the Philippines hawak ang parehong 237 puntos.

Nanguna ang La Sa­lle sa women’s football, women’s chess, poomsae at baseball, at runner-up trophies sa men’s football, women’s beach volley, men’s swimming, women’s table tennis, women’s tennis at men’s fencing.

May third-place ang La Salle sa women’s taek­wondo, softball, women’s badminton at women’s swimming.

Nagawang makahabol ng Ateneo sa ranking matapos masungkit ang korona sa women’s volleyball.

Nagwagi rin ng ginto ang Ateneo sa men’s football, men’s basketball, men at women’s swimming, women’s badminton at women’s fencing.

Nasa ikalima ang NU (196) kasunod ang UE (142), FEU(145) at Adamson University (116).

UAAP SEASON 81 UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with