Humakot si big man Andre Drummond ng 20 points at 18 rebounds para sa Pistons na lalabanan ang top-seeded na Milwaukee Bucks sa opening round.
AFP
Kennard, Jackson binitbit ang Pistons sa Playoffs
(Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2019 - 12:00am

NEW YORK — Nagpasabog si Luke Kennard ng 27 points habang may 21 markers si Reggie Jackson para tulungan ang Detroit Pistons na gibain ang Knicks, 115-89 at angkinin ang final playoff spot sa Eastern Conference playoffs.

Humakot si big man Andre Drummond ng 20 points at 18 rebounds para sa Pistons na lalabanan ang top-seeded na Milwaukee Bucks sa opening round.

Sa San Antonio, kumolekta si center LaMarcus Aldridge ng 34 points at 16 rebounds para pamunuan ang Spurs sa 105-94 panalo sa Dallas Mavericks sa huling laro ni Dirk Nowitzki.

Tumapos si Nowitzki na may 20 points at 10 rebounds sa kanyang final game sa makulay niyang 21-season career na ibinuhos niya sa Mavericks.

Pumuwesto ang San Antonio sa seventh place sa Western Conference matapos ang 127-116 pananaig ng Oklahoma City Thunder laban sa Milwaukee.

Makakatapat ng Spurs ang No. 2 seed, alinman sa Denver Nuggets o Houston Rockets, sa opening round ng playoffs.

Sa Charlotte, kinuha ng Orlando Magic ang 122-114 panalo para tuluyan nang sibakin ang Hornets sa playoffs.

Binanderahan ni star guard Kemba Walker ang napatalsik na Charlotte mula sa kanyang 43 points tampok ang 16-of-25 fieldgoal shooting.

 

ANDRE DRUMMOND DETROIT PISTONS LUKE KENNARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with