Giyera sa semis simula na
FCagape (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maghaharap ang top seed Akari-Adamson  fourth seed Che’Lu Bar and Grill-San Sebastian habang magtatagpo rin ang second seed Marinerong Pilipino at  sixth seed  Zark’s Burger-Lyceum  ngayon sa Game 1 ng best-of-three semifinal series ng 2018 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Pasig City Sports Center.

Haharapin ng Akari-Adamson ang Che’Lu Bar-San Sebastian sa alas-2 ng hapon makaraan ang  laro ng Marinerong Pilipino at Zark’s Burger-Lyceum  sa alas-12 ng tanghali.

“At the start of the season, if you told me that we’ll be up as the number one team, I’ll be thinking you’re just pulling my leg,” sabi ni Akari-Adamson coach Franz Pumaren.

Sa ipinakita nina Jerrick Ahanmisi, Sean Manganti at Jonathan Espeleta big­lang humarurot ang tropa ni Pumaren sa 9-2 standing sa pagtatapos ng elimination round.

Sa una nilang paghahamok, nilampaso ng Akari-Adamson Falcons ang Che’Lu Bar, 84-75 sa elimination round noong Pebrero 13.

Sa iba pang laro, paborito rin ang Merinerong Pilipino ni coach Koy Banal na magwagi kontra sa Zark’s Burger-Lyceum ni coach Topex Robinson bunga ng kanilang 94-92 panalo sa elimination round noong Enero 18.

“We just want to be ready. We have the expe­rience and we’ll see who’s really going to push themselves to the limit,” ayon kay Banal.

2018 PBA D-LEAGUE ASPIRANTS’ CUP AKARI-ADAMSON CHE’LU BAR-SAN SEBASTIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with