Haring Uri
PRESS ROW - Abac Cordero (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

Pagdating sa All-Filipino, unbeatable talaga ang San Miguel Beer.

Walang tatalo.

Naka-apat na sunod na titulo na sila at kung hindi mabubuwag ang lineup nila, mukhang walang katapusan ito.

Lalakas pa nga sila dahil padating na si Christian Standhardinger, ang Fil-German player na nakuha nila sa 2018 PBA Draft.

Malakas na, lalakas pa.

Ewan ko, pero parang All-Star ang San Miguel pagdating sa All-Filipino.

Pwede siguro gumawa ng exhibition game ang PBA: San Miguel vs PBA All-Star.

Kahit pagsamahin mo sina Greg Slaughter, Troy Rosario, Calvin Abueva, Terrence Romeo at LA Tenorio.

Baka manalo pa rin ang SMB.

May June Mar Fajardo ka at Arwind Santos, Marcio Lassiter at Chris Ross at Alex Cabagnot.

Pwede siguro manalo ang PBA All-Star kung isasama mo si Andray Blatche.

Pabiro ngang sinabi ni coach Yeng Guiao na para talunin mo ang San Miguel ay dapat pigilan mo na makapunta si Fajardo sa game.

“Dapat siguro i-flat mo ang gulong ng kotse. Yung apat na gulong,” sabi ni coach Yeng.

SAN MIGUEL BEER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with