Cocolife kukunin ang bonus sa Smart
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2018 - 12:00am

Laro Ngayon (Batangas City Sports Center)

4 pm  Foton vs Generika-Ayala

6 pm  Cocolife vs Smart

MANILA, Philippines — Hahatawin ng Cocolife ang quarterfinal incentive sa pakikipagtuos sa mapanganib na Smart Prepaid sa pagdayo ng Philippine Superliga (PSL) Grand Prix ngayong araw sa Batangas Sports and Convention Center sa Batangas City.

Nais ng Asset Mana­gers na pigilan ang Giga Hitters sa kanilang laro sa alas-6 ng gabi para makuha ang isa sa apat na twice-to-beat incentives sa quarterfinals.

Nauna nang nasungkit ng nagdedepensang F2 Logistics at Petron ang unang dalawang insen­tibo sa quarters matapos makalikom ng parehong 8-1 rekord.

Naghahabol din sa twice-to-beat ang two-time champion Foton na naka­takda namang humarap sa Generika-Ayala sa alas-4 ng hapon.

Sa ilalim ng Petron at F2 Logistics ang Cocolife (5-4), Foton (4-4) at Sta. Lucia Realty (4-5).

Hindi naman magiging madali ang daang tatahakin ng Asset Managers dahil determinado ang Giga Hitters na makuha ang unang panalo nito sa liga tampok si hard-hitting Cuban reinforcement Gyselle Silva.

 “For me, Smart is a dangerous team. Gyselle Silva is one of the most ta­lented imports in this conference and her team will be playing with nothing to lose. If Silva will play the way she’s playing in their last two or three matches and the locals will support her, then we’ll be in big trouble,” ani  Cocolife coach Moro Bra­nislav.

Ginulpi ng Asset Ma­nagers ang Giga Hitters sa kanilang unang paghaharap sa iskor na 25-20, 25-22, 25-13.

Ngunit ayon kay Branis­lav, maganda na ang che­mistry ng Giga Hitters partikular na sina Silva, Sonja Trivunovic at local players Janeth Serafica, Maureen Penetrante-Ouano, Jeanie Delos Reyes at Genie Sabas.

Aasahan naman ni Branislav sina Serbian Sara Klisura at American Taylor Milton kasama sina Tina Salak, Mary Jean Balse-Pabayo, Joanne Bunag at star libero Denden Lazaro.

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with