^

PSN Palaro

Jabol 2 ginto ang itinakbo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Jabol 2 ginto ang itinakbo

Ang golden jump ni Jason Jabol.  Joey Mendoza

VIGAN, Ilocos Sur , Philippines  —  Halos 10 minuto lamang ang na­ging pagitan ng pag-angkin ni Jason Jabol  ng Dasmariñas City sa kanyang dalawang gintong medalya.

Matapos dominahin ang boys’ 100-meter run ay na­nguna naman ang pambato ng Dasmariñas City, Cavite sa long jump para maging unang double-gold medal winner sa athletics event ng Luzon Leg ng 2017 Batang Pinoy kahapon dito sa Pres. Elpidio Quirino Stadium.

Nagsumite ang 14-anyos na Grade 9 student ng Immaculate Concepcion Academy ng bilis na 11.35 segundo sa century dash at lumundag ng 6.18 metro sa long jump para sa kanyang dalawang gintong medalya.

Una munang inangkin ni Jabol ang gold medal sa 100m run bago tumawid ng linya para sa kanyang finals event sa long jump.

“Medyo nakakapagod po talaga kasi sabay ‘yung events ko,” ani Jabol, nagbulsa ng apat na ginto sa Pala­rong Pambansa noong 2015 sa Tagum, Davao del Norte.

Inangkin naman ni age-group triathlete star Tara Borlain ng Pasig City ang gintong medalya sa girls’ 3,000m run sa oras na 10:57.84.

“It’s my first time to participate in this Batang Pinoy event, and I’m very happy that I won,” sabi ng 14-anyos na si Borlain, nagmula sa pagdomina sa Alaska IronKids Philippines sa Cebu City noong Agosto.

Ang iba pang kumuha ng gold medal ay sina Janrey Gallano (62.37 segundo) ng Laguna sa boys’ 400m hurdles at Charlaine De Ocampo (67.99 segundo) ng Dasmariñas City, Cavite sa girls’ 400m hurdles.

Sa swimming, dala­wang gold medals ang nilangoy ni triathlete Anya Karina Austriaco ng Muntinlupa City mula sa kanyang mga panalo sa girls’ 12-under 200m IM (2:41:31) at 100m freestyle (1:03:54).

Ang iba pang sumisid ng ginto ay sina Jalil Taguinod (2:31:29) ng Santiago City sa boys’ 12-under 200m IM, Jastin Ira Tabudlo (2:55:38) ng St. Francis-La Union sa boys’ 13-15 200m IM at Zoe Marie Hilaro (2:31:33) ng Quezon City sa girls’ 13-15 200m IM.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with