^

PSN Palaro

La Salle diretsong 9 ang puntirya sa UP

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Araneta)

2pm DLSU vs UP

4pm NU vs UST

MANILA, Philippines - Ikasiyam na sunod na panalo ang pupuntiryahin ng La Salle sa pakikipagtipan sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament ngayong hapon sa Araneta Coliseum.

Lalarga ang duwelo ng Green Archers at Figh­ting Maroons sa alas-2 na susundan ng bakbakan ng National University at University of Santo Tomas sa alas-4.

Nanatiling malinis ang rekord ng La Salle hawak ang 8-0 rekord upang makalapit sa inaasam na twice-to-beat advantage sa Final Four.

Hindi naging madali ang daang tinahak ng Green Archers bago makuha ang win No. 8 matapos pahirapan ng Adamson University bago itarak ang 86-79 panalo.

Kaya naman umaasa si La Salle mentor Aldin Ayo na may natutunan ang kanyang bataan sa naturang laro.

Malakas na puwersa ang manggagaling kay MVP top candidate Ben Mbala na may average na 20.71 points, 16.29 rebounds at 2.14 blocks kada laro habang posibleng makabalik na sa paglalaro si Jeron Teng na ilang araw ring nagpahinga dahil sa minor operation na ginawa sa kanyang kaliwang paa.

Aariba rin sina Kib Montalbo, Aljun Melecio, Abu Tratter, Thomas Torres at Paolo Rivero.

Subalit haharap ang La Salle sa inspiradong UP na galing sa dalawang sunod na panalo upang manati-ling buhay ang kanilang pag-asa sa Final Four ta-ngan ang 3-6 marka.

Pinataob ng Fighting Maroons ang Ateneo sa iskor na 56-52 kasunod ang paggupo sa Adamson, 70-66 sa kanilang huling laro.

Magsisilbing lider sa hanay ng UP si Paul Desi-derio na may 17.57 points, 6.86 boards at 2.43 assists kada laro habang makakatuwang nito sina Jett Manuel, Dave Moralde, Andrew Harris, Diego Dario.

Nagparamdam rin si rookie Javi Gomez De Liano nang tumipa ito ng career-high 13 points kabilang ang krusyal na three-pointer sa huling sandali ng laro laban sa Adamson.

Sa kabilang banda, target ng NU na basagin ang pakikipagsosyo sa Ateneo upang masolo ang ikatlong puwesto.

Parehong may 4-4 ang Bulldogs at Blue Eagles.

Galing sa limang sunod na kabiguan, ang UST naman ay gigil na makabawi upang mapaangat ang kanilang 2-7 baraha. (CCo)

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with