^

PSN Palaro

San Miguel iiwas malagay sa delikado

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalapit ang Barangay Ginebra sa inaasam na pu­westo sa finals sa mu­ling pakikipagtuos sa nagdedepensang San Miguel Beer sa Game 2 ng PBA Governos’ Cup best-of-five semifinal series sa Araneta Coliseum.

Lalarga ang pukpukan ng Gin Kings at Beermen sa alas-7 ng gabi.

Nahablot ng Ginebra ang 1-0 kalamangan sa serye matapos kubrahin ang 115-108 come-from-behind win sa Game 1 noong Lunes.

Buhay na buhay ang ne­ver-say-die attitude ng Gin Kings dahil hindi ito nawalan ng pag-asa sa kabila ng 46-57 pagkakalugmok sa first half.

Isang malakas na 33-19 bomba ang pinakawalan ng Ginebra sa third quarter upang makuha ang momento tungo sa pagkopo ng matamis na panalo.

Umariba sa naturang panalo si import Justin Brownlee na nagpasabog ng 39 puntos, 16 rebounds, dalawang steals at isang block ngunit malakas na suporta rin ang nanggaga­ling kina Japeth Aguilar, Sol Mercado at Joe Devance para makatulong sa tropa.

Kumana si Aguilar ng 22 habang may pinagsamang 31 puntos sina Mercado at Devance.

Gayunpaman, sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na wala pang dapat ipagdiwang ang Gin Kings dahil nagsisimula pa lamang ang serye.

“It was a good win for us. But it obviously didn’t win the series, Game 2 is a big deal,” wika ni Cone.

Kabisado ni Cone ang mantra ng Beermen kaya’t isang solidong plano ang inihahanda nito para sa Gin  Kings upang mapigilan ang anumang atakeng ilulunsad ng kanilang karibal.

“Their (Beermen) first five is solid,” wika ni Cone.

Walang iba kundi ang makaresbak ang ta­nging nasa isip ng Beermen matapos ang masaklap na kabiguan sa series opener.

Sa katunayan, tatlong Beermen ang nagtala ng 20-plus score sa pangu­ngu­na ni import Elijah Mill­sap na may 29 puntos ngunit kapos pa rin ito matapos ang masamang laro sa second half.

Kumana rin si reigning MVP June Mar Fajardo ng 25 puntos at Alex Cabagnot ng 20.

“Coach Tim did a good job to stop our big men from scoring inside. Kaya kailangan naming sundin ang game plan namin,” sambit ni Beermen mentor Leo Austria.

Desidido rin si Fajardo na makabawi upang makabalik sa kontensiyon ang kanilang koponan.

“Mahirap mabaon sa series kaya kailangan namin manalo sa Game 2,” ani naman ng 6-foot-10 center.

Samantala, kasaluku­yang naglalaro ang Meralco Bolts at TNT Katropa sa Game 1 ng kanilang sariling best-of-five semifinal series, habang sinusulat ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with