105 Russian athletes ban sa Rio Games
MOSCOW – Halos 105 atleta mula sa 387-strong Russian Olympic team ang hindi pinayagang makasali sa Rio Games dahil sa doping scandal.
Inalis ng international federations sa canoeing, sailing at modern pentathlon ang walong atleta, kabilang dito ang isang Olympic gold medalist.
Nagtanggal din ang rowing ng 19 atleta mula sa naunang tatlo, habang ilang atleta rin ang inalis ng swimming.
Sinabi ng spokesman ni Russian President Vladimir Putin na si Dmitry Peskov sa Russian media na tinalakay na ng Pangulo ang doping issue sa kanyang national security council.
Pinagtibay ng Court of Arbitration for Sport ang ban sa naturang mga Russian athletes.
Habang naiwasan ng Russia ang isang blanket ban mula sa International Olympic Committee, ilang medal contenders naman ang natanggal sa kanilang koponan dahil sa bagong patakaran ng IOC rules.
- Latest