Green ‘di makakalaro sa Game 5
Tony Calvento (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2016 - 12:00am

OAKLAND, California --Kagaya ng inaasahan, sinuspinde si Draymond Green ng Golden State Warriors sa kanilang bakbakan ng Cleveland sa Game 5 ng NBA Finals.

Sinuspinde si Green sa Game 5 matapos siyang patawan ng liga ng Flagrant 1 foul dahil sa paghampas sa maselang bahagi ng katawan ni Le­Bron James sa huling mga minuto ng panalo ng Warriors laban sa Cavaliers sa Game 4 noong Biyernes.

Nagkabuhol sina Ja­mes at Green at hinakba­ngan ni James si Green sa kanilang pagbangon sa sahig na ikinukunsiderang pambabastos sa hanay ng mga NBA players.

Hinampas ni Green ang groin ni James bilang ganti at isang suntok na hindi naman tumama sa four-time MVP.

Pinatawan si Green ng Flagrant 2 foul at pinagmulta ng $25,000 sa pagsipa sa maselang bahagi ng katawan ni Oklahoma City Thunder center Steven Adams sa Western Confe­rence finals.

Nang ilampaso si R­o­ckets forward Michael Beas­ley sa sahig sa first round ay pinatawan si Green ng Flagrant 1.

Hindi umano sinasad­yang nasipa ni Green si Cavs guard Kyrie Irving sa dibdib sa Game 1 ng finals at nakaligtas sa parusa ng NBA.

TONY CALVENTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with