^

PSN Palaro

Pacquiao pababagsakin si Bradley sa round 9 – Roach

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa tingin ng batikang trainer Freddie Roach ay mapababagsak na ni Manny Pacquiao si Timothy Bradley sa ikatlong beses nilang pagkikita sa Abril.

Sa ulat ni Victor Salazar ng boxingscene.com, sinabi ni Roach na hindi na niya inaalala ang paghahanda ni Pacquiao tulad ng pagbabanta ni Bradley dahil sa kaniyang bagong trainer na si Teddy Atlas.

Dagdag niya na likas na mas magaling talaga si Pacquiao kay Bradley.

 “It does change a little bit with a new trainer in camp. I got the better fighter, so I'm not worried about it. Manny isn't a hard guy to get up for fights. He knows he has to be at his best to win this fight. Once he's in the gym, he gives me 100 percent,” wika ni Roach.

Nanaig si Bradley noong una nilang pagkikita ni Pacquiao ngunit nahaluan ito ng kontrobersya kaya naman sa ikalawang pagkikita nila ay tiniyak ng Pinoy boxer na siya ang mananalo.

Sa kabila nito ay matagal nang hindi nakakapanalo si Pacquiao via knockout at sa tingin ni Roach ay mangyayari na ito sa Abril 10 sa Las Vegas.

“Manny wants to go out with a bang and knock Tim out so I predict a knockout in nine,” patuloy ng trainer.

Ito na ang magiging huling laban ni Pacquiao dahil pagtutuunan niya ng pansin ang kandidatura niya sa pagkasenador ngayong Mayo.

 

ABRIL

BRADLEY

DAGDAG

FREDDIE ROACH

ITO

LAS VEGAS

PACQUIAO

TEDDY ATLAS

TIMOTHY BRADLEY

VICTOR SALAZAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with