Santiago puwedeng import
ATan (Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Malaki ang potensyal ni Jaja Santiago na ma­ka­paglaro bilang import sa wo­men’s volleyball sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ng isa sa im­port ng Foton Tornadoes na si Lindsay Stalzer tungkol sa 6-foot-5 rookie na si Santiago.

“For sure, she can play at any different leagues at high level,” wika ni Stalzer, nasa ikalawang taon na naglalaro sa Philippine Su­perLiga (PSL). “She’s awesome. She has incredible athletic ability, she has great attitude and work ethic. I really think she has the potential to be the best player here.”

Ito ang unang confe­rence ni Santiago sa PSL at kahit may mga imports na kalaban ay nakakasabay siya sa opensa at depensa pa­ra makatulong sa 4-3 karta ng Tor­nadoes.

Aminado naman si Santiago na pangarap niya na ma­kapaglaro sa ibang ban­sa bilang import at sisikapin ni­yang mangyari ito.

“Sino po ba naman ang manlalaro na hindi ma­nga­nga­rap na makapaglaro sa ibang bansa bilang import. Kung iyon ang will ni God, mangyayari po iyan,” pa­­hayag ni San­tiago, naglaro sa national team sa 2015 SEA Games.

 

ACIRC AMINADO FOTON TORNADOES ITO JAJA SANTIAGO LINDSAY STALZER MALAKI PHILIPPINE SU SHY SINO STALZER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with