^

PSN Palaro

Tornadoes ‘di kinaya ng Lady Clickers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalo pang gumaling ang laro ng baguhang si Nicole Tiamzon para bigyan ang Foton Tornadoes ng 25-17, 25-17, 25-17, panalo laban sa Shopinas Lady Clickers sa Philippine SuperLiga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dating manlalaro ng UP Lady Maroons ay naghatid ng 19 puntos sa  15 kills at tatlong aces para ibigay sa Foton ang ikala­wang panalo sa tatlong laro sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

“Hindi ko binibigyan ng pressure ang team kaya naman lumalabas ang ka­nilang natural na laro gaya ni Tiamzon,” wika ni Foton coach Villet Ponce-de Leon.

Bukod kay Tiamzon ay gumawa rin sina Patty Orendain at Angeli Araneta ng 13 at 7 puntos para ipatikim sa Shopinas ang kanilang u­nang pagkatalo matapos ang magkasunod na panalo.

Tatlong kills ang ginawa ni Tiamzon para ibigay sa Tornadoes ang 16-14 kala­mangan at hindi na nila bi­nitiwan ito tungo sa straight sets panalo.

Ang mga beteranang sina Cha Cruz at Stephanie Mercado ay nagkaroon la­mang ng tig-limang puntos upang magtabla ang dalawang koponan sa ikala­wang puwesto sa itaas ng Petron Lady Blaze Spikers na may 2-0 baraha. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ANG

ANGELI ARANETA

CHA CRUZ

FOTON

FOTON TORNADOES

HEALTHWAY MEDICAL

LADY MAROONS

MUELLER SPORTS MEDICINE

TIAMZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with