^

PSN Palaro

Pag ‘di natuloy kay Pacquiao, kampo ni Mayweather may ‘Plan B’

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung may tinatawag na ‘Plan B’ ang kampo ni Manny Pacquiao, mayroon ding bersyon nito ang grupo ni Floyd Mayweather, Jr.

Bagama’t ilang isyu na lang ang sinasabing kaila­ngang plantsahin, gusto pa ring maniguro ng network na Showtime para sa kapakanan ni Mayweather.

Sinabi ni Stephen Espinoza ng Showtime na kung babagsak ang negosasyon para sa banggaan nina Mayweather at Pacquiao ay may ilang pangalan na silang maaaring itapat sa American fighter sa Mayo 2.

At ang dalawa rito ay sina dating world champions Amir Khan at Miguel Cotto.

“His first choice by far is Manny Pacquiao,” sabi ni Espinoza sa Daily News sa isang phone interview kahapon. “If it becomes clear that fight is not achievable, then he would move on to either Amir Khan or Miguel Cotto. He’s made it clear to us that Pacquiao is still his No. 1 priority, and that’s where all our energy is focused.”

Tinalo na nina Pacquiao at Mayweather si Cotto sa kanilang mga nakaraang laban.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pormal na pahayag sina Pacquiao at Mayweather, may exclusive contract sa Showtime, tungkol sa kanilang super fight na orihinal na itinakda sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Nagkasundo ang dalawa na manahimik habang ipinagpapatuloy ang pagtalakay sa detalye ng kanilang laban. Ngunit patuloy naman sa kanyang pagsasalita sa media si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Sinabi ni Espinoza na hindi sila nag-aalala tungkol sa petsa ng laban nina Pacquiao at Mayweather.

vuukle comment

AMIR KHAN

BOB ARUM

DAILY NEWS

ESPINOZA

MAYWEATHER

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

SHOWTIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with